Masaya umanong nakikita ng Rank 1 sa Criminologust Licensure Exam na proud sakanya ang kanyang pamilya at ng kanyang Alma Mater sa pagiging topnotcher nito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Alyssa Eliana Bautista na graduate ng Araullo University, hindi pa rin ito makapaniwala na siya ang mangunguna sa exam sa kabila ng hirap na pinagdaanan nito dahil sa mismong araw umano ng exam ay nilagnat pa siya ngunit hindi naging alintana at sinabing inisip na lamang niya na maipapasa niya ang exam.
Inspirasyon nito ang kanyang pamilya, mga taong sumusuporta sakanya gayundin ang paaralan kung saan siya nagtapos.
Sa ngayon, plano nitong pasukin ang academe dahil gusto niyang matulongan ang mga nangangarap ding maging criminologist.
Samantala, time management naman ang susi ng Rank 2 na si Jericho Suarez sa pagpasa niya sa exam.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Suarez na graduate ng University of Mindanao-Davao City, hindi umano siya yung tipong magdamag na nagrereview kundi naging consistent lamang ito sa pagbabasa araw-araw.
Aniya, hindi naman nito inisip na maging topnotcher dahil ang tanging inisip lamang niya ay ang maibuhos lahat ng kakayahan sa exam at laking tuwa naman niya na maganda ang naging resulta.