--Ads--

Inilarawan bilang “drama” ni dating Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson ang pagkakaso at pagkaaresto kay dating House Speaker Martin Romualdez.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Singson, sinabi nitong hindi umano siya naniniwalang matutuloy ang kaso laban kay Romualdez dahil posibleng may ginagawa umanong paraan upang hindi nito pangalanan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang nasa likod umano ng mga maanomalyang flood control projects.

Naniniwala si Singson na bahagi lamang ng delaying tactics ang mga ginagawa ng dating House Speaker upang magkaroon ng pagkakataong makapag-isip ng ibang hakbang at tuluyang maiwasan ang pag-usad ng kaso.

Hinamon din ng dating gobernador si Romualdez na pangalanan si Pangulong Marcos kung mayroon itong katibayan na may kinalaman ang presidente sa mga alegasyon.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, naniniwala si Singson na hindi maituturing na maayos ang pagkakahuli kay Romualdez dahil umano sa hindi pagsunod sa tamang proseso, kabilang ang hindi pagkakaposas at hindi wastong pagsusuot ng detainee uniform.