--Ads--

VIGAN CITY – Hindi umano nababahala si dating Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson matapos itong nakasuhan ng cyberlibel ng hindi na napangalanang grupo.

Yan ay kasanod ng mga nagkalat na litrato nito na naka-mugshot at nahuli patungkol sa nasabing kaso.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Singson, iginiit nito na wala itong kasalanan kaya walang dapat ikabahala sa nasabing kaso.

Sa katunayan aniya ay agad rin itong nakapagpiyansa matapos natanggap ang nasabing reklamo.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabila niyan ay duda ito sa nasabing kaso ngunit wala umanong problema sa kaniya dahil kaya nitong labanan at aniya’y isang karangalan ang maidemanda ngayon dahil pagkakataon umano upang mailaban ang katotohanan.

Ipinaalala nito sa taumbayan na kung may mga taong magrereklamo sa kanila ay huwag matakot na ipaglaban ang katotohanan at kalabanin ang mga taong totoong may sala.