--Ads--

VIGAN CITY – Malungkot na sinalubong ng mga taga-Abra ang labi ni dating Abra Vice Governor Rolando Somera sa kanyang bayan sa Pilar, Abra.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Pilar vice mayor Christopher Beroña, bayaw ng dating vice governor, mula sa Maynila ay dumeretso ang convoy ng pamilya Somera sa kanilang tahanan sa Barangay Poblacion sa naturang bayan at dito na nakahimlay.

Una nang nagpahatid ng pakikidalamati ang mga public official ng Abra para sa dating bise gobernador na itinuturing na ama ng bayan ng Pilar.

Sa ngayon ay wala pang ibinigay na detalye ang pamilya hinggil sa libing ni Somera.

-- ADVERTISEMENT --

Kung maaalala, inabangan ng mga hindi kilalang suspek si Somera paglabas nito sa isang cockpit arena at binaril kung saan nagtamo ng tatlong tama ng baril na kaniyang ikinamatay.

Una ng sinabi ng vice mayor Baroña na no comment pa sila ukol sa motibo ng kanyang pagkamatay kahit naunang marami nang nagpahayag na politika ang dahilan.