--Ads--

Isang baboy ang nakakaintindi ng salita ng tao dahil alam nitong sumunod sa sinasabi ng kaniyang amo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Jun Dahilig Fagaranan na residente ng Mabusag, Badoc, Ilocos Norte, noong biik pa laang ang kaniyang baboy na si Makku ay napansin na nitong nakakaintindi ng salita dahil palagi itong sinusunod lahat ng kaniyang sinasabi.

Aniya, sinubukan umano nila itong ikulong pero laging nakakawala kaya hinayaan na lamang nila ito sa kanilang bakuran at kahit pumasok pa sa kanilang tahanan ay hindi naging problema.

Una nang napansin ni Fagaragan na nakakaintindi si Makku ng kaniyang salita noong isinama nito sa bukid at sinusunod lahat ng kaniyang sinasabi.

-- ADVERTISEMENT --

Natutunan din umano nitong magbukas ng faucet lalo na kung ito ay naiinitan sa panahon at siya na mismo ang magbubukas upang maligo at kung minsan ay sa cr pa tumatambay upang gumagaan ang kaniyang pakiramdam.

Kaya din umano ni Makku na magbukas ng kanilang gate kapag lumalabas ito at naglalakad sa kalsada.

Mayroong dalawang higaan si Makku ngunit dahil bumigat ang kaniyang timbang ay hindi na nito masyadong nagagamit ang isa.

Kung sa pagkain naman ay hindi feeds ang kinakain ni Makku dahil gustong gusto nito ang mga naluluto na parang pagkain ng mga tao at aso.

Ang ina ni Fagaran ang bumili sa baboy at ipinaalaga lamang nito sa kaniya upang mayroong pagkakitaan ngunit noong naabotna nito ang pitong buwan ay ayaw na niyang ipagbenta dahil napamahal na ito sa kaniya.

Nang hindi makumbinsi ay bumili ulit ang kaniyang ina ng isang baboy na kaniyang aalagahan ngunit kagaya ni Makku ay nakakaintindi ulit ng kaniyang salita.

Gayunman, hindi talaga baboy ang inaalagahan ni Fagaragan kundi mga aso at pusa dahil 18 ang kaniyang aso at 15 ang kaniyang pusa.