--Ads--

Bumwelta si Atty. Estelita Cordero sa mga naging pahayag ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson.

Ito ay matapos masampahan ng kaso si Singson sa Office of the Ombudsman.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Cordero, sinabi nitong mas mainam na sagutin na lamang ni Singson ang mga reklamong isinampa laban sa kanya.

Kinontra rin ni Cordero ang pahayag ni Singson na “harassment” ang kanilang ginawa.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, wala umano silang kakayahan upang i-harass ang dating gobernador, at iginiit na ang ganitong sitwasyon ay nararanasan ng taumbayan.

Nanawagan ang abogado ng pagkakaisa upang ipaglaban ang tama para sa lalawigan ng Ilocos Sur.

Matatandaang sinampahan ng grupong Warriors ti Ilocos Sur, na pinangungunahan ni Cordero, si Singson ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at kaugnay na batas. Nag-ugat ang kaso sa umano’y maling paggamit ng humigit-kumulang ₱585 milyon mula sa Tobacco Excise Tax, na ginamit sa pagpapatayo ng “Tobacco Farmers Convention Center” noong 2008.