--Ads--

Sa kabila ng pagkakalayo sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas, hindi nakakalimutan ng mga Pilipinong naninirahan sa Sri Lanka ang paggunita sa Undas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay BINC Priscilla Wijesooriya naninirahan sa nasabing bansa, sama-sama silang naghahanda ng pagkain at nag-oorganisa ng misa bilang bahagi ng kanilang pag-alala sa mga yumaong mahal sa buhay.

Sa ganitong paraan, napapanatili rin umano nila ang tradisyon at pakikisama bilang isang komunidad ng mga Pilipino kahit nasa ibang bansa.

Aminado naman itong nakalulungkot dahil hindi nila personal na nakakasama ang kanilang mga pamilya sa Pilipinas tuwing Undas.

-- ADVERTISEMENT --

Gayunman, pinatatatag na lamang umano nila ang kanilang loob at gumagamit ng video call upang makausap ang kanilang mga mahal sa buhay at makiisa sa paggunita.

Samantala, inilarawan din niya bilang payapa ang sitwasyon sa mga sementeryo sa Sri Lanka habang dumadalaw ang mga tao upang alalahanin ang kanilang mga yumaong kapamilya.