
Umabot na sa 4,192 na pamilya o 12,641 na indibidwal a naapektuhan ng Southwest Monsoon o Habagat sa 21 local government units sa Ilocos Sur.
Nasa kabuuang 151 na barangay naman a kabilang sa mga apektadong lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Governor Jerry Singson, 206 na pamilya o 613 na indibidwal ang nasa loob ng evacuation centers, habang 159 na pamilya o 613 na indibidwal naman ang nasa labas ng evacuation centers.
Samantala, 19 na kabahayan ang naitang nasira, kabilang ang isang totally damaged at 26 partially damaged.
Kabilang sa mga LGU na nag-ulat ng pinsala ang Santiago, Narvacan, Sto. Domingo, Alilem, Suyo, San Vicente at Sta. Cruz.
Nagpaabot naman ng hot meals ang mga LGU sa mga apektadong residente, kabilang ang 164 na indibidwal sa Vigan City at 12 na indibidwal sa Santo Domingo.
Patuloy pa ring binabantayan ng mga otoridad ang epekto ng habagat habang inaasahang magpapatuloy ang pag-ulan sa ilang bahagi ng lalawigan.










