--Ads--

Patay ang drayber at isang pasahero ng SUV matapos itong makabangga ng isang truck sa National Highway sa Barangay Banaoang, Bantay, Ilocos Sur.

Ang mga nasawing biktima ay ang drayber ng SUV at isa nitong pasahero, na kapwa 22-anyos at parehong residente ng Mangaldan, Pangasinan.

Samantala, ang 48-anyos na lalaki mula sa Anda, Pangasinan ang drayber ng truck.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Vigan mula kay PLT. Ronie Corpuz ng Bantay Police Station, tinatahak ng truck ang pahilagang direksyon nang umano’y umagaw ng linya ang SUV, dahilan upang maganap ang head-on collision.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil sa lakas ng impact, nagtamo ng malalang sugat ang drayber at pasahero ng SUV na ikinasawi ng mga ito, habang minor injuries naman ang tinamo ng drayber ng truck.

Sugatan din ang apat pang pasahero ng SUV na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan para sa kaukulang atensyong medikal.

Kapwa nagtamo ng matinding pinsala ang dalawang sasakyan, partikular ang SUV na halos hindi na makilala dahil sa tindi ng pagkakasira nito.